Huwebes, Hulyo 14, 2016

''Exploring Bohol''

        Ang lugar na ito ay dinadayo ng maraming dayuhan dahil sa mga magagandang tanawin dito. Isa ito sa lugar ng Visayas ang ''Bohol''. Sikat ito dahil sa magagandang tanawin. Isa na dito ang ''Chocolate Hill'' na dinadayo nga ibat-ibang tourista para lng makikita nito.

                Ang  Bohol ay magandang lugar maraming mga kilalang lugar o tanawin na makikita dito.Ang isa sa pinakasikat sa Bohol ay ang ''Chocolate Hill'' gaya ng sabi ko na sikat talaga ito. Dinadayo ito dahil sa ganda ng kulat nito kasi kapag tag-init ang magiging kulay ng bundok ay parang chokolate, kapag tag-lamig naman o tag-ulan ang kulay ng bundok ay napaka berde. Hindi lang tanawin ang maganda dito meron din silang masisikat na pagkain,delicacy at iba pa. Isa na rito ang Kalamay na masarap kainin kasi malagkitlagkit.

               Kahit hindi pa ako nakapunta sa Bohol para sakin maganda at masaya doon. Gusto ko talagang makapunta doon kasama ng pamilya ko para mag saya at kalimutan ang problema. Minsan lang naman ako mangarap kahit dito lang masaya na ako.

                Ang iba pang lugar na dinadayo sa Bohol ay ang ''Panglao Beach'' na may maputing buhangin at malinaw na tubig.  Meron ding ''Hinagdanan Cave'' na may tubig sa loon ng kweba. Meron ding ''Floating Restaurant'' sa Loboc River. Ang sarap talagang mag explore sa Bohol at mamasyal kaya pasyal na kayo dun!. 



                                                              Tourist Spots

                                                            ''Floating Restaurant''

''Chocolate Hills''

''Hinagdanan Cave''


         DELICACIES

                                                      ''Peanut Kisses''
                      
  
                                                        ''Kalamay''
        


1 komento: